12 establisyimento sa Bambang, Maynila pinadalhan ng notice of violations dahil sa sobrang pagtataas sa presyo ng face masks

Aabot sa labingdalawang establisyimento sa Bambang, Maynila ang naisyuhan ng notice of violations ng Department of Trade and Industry (DTI) dahil sa overpricing ng face masks at medical supplies.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, sa labingpitong establisyimento sa Bambang ay labingdalawa ang nakitaan ng paglabag.

Sinabi ni Castelo na sasampahan ng kasong administratibo at kriminal ang nasabing mga establisyimento dahil sa pagpapataw ng sobrang taas sa presyo ng face masks.

Hiniling din ng DTI sa publiko na i-report sa kanila ang mga tindahan na naniningil ng mahal sa face masks sa pamamagitan ng pagpapadala ng larawan ng resibo at impormasyon sa tindahan.

Ani Castelo aabot sa P5,000 hanggang P2 million ang multa na maaring ipataw sa mga lumabag na tindahan.

Maliban sa overpricing ay may matuklasan din ang DTI na mabababang kalidad ng N95 masks.

Read more...