Martes ng gabi ay umabot na sa 5,700 na bahay sa Sta. Teresita at ilang bahagi ng San Luis na sinusuplayan ng BATELEC 1 ang naibalik na ang suplay ng kuryente, gayundin ang ang 9,879 sa ilang bahagi ng Calaca at Lemery ay fully-restored na rin ang suplay ng kuryente.
Pero nanatili naman ang assessment ng NEA sa San Nicolas at Agoncillo na may 12, 850 household ang wala pa rin suplay ng kuryente.
Habang partially energized na ang may 15, 512 na household sa Tanauan City na sinusuplayan ng BATELEC II ang nawalan ng suplay ng kuryente matapos masira ang mga linya at equipment dahil sa ashfall.
Aabot naman sa 16, 286 household sa Talisay at Laurel ang wala pa ring suplay ng kuryente, kailangan pang humingi ng permiso ng NEA sa LGU para mapasok ang mga lugar at simulang ayusin ang mga nasirang linya ng kuryente at equipment dahil sa ashfall.