LOOK: Pasilidad ng Phivolcs sa Agoncillo, Batangas natabunan ng abo

Nabalutan din ng makapal na abo ang pasilidad ng Phivolcs sa bayan ng Agoncillo sa Batangas.

Nagsagawa na ng paglilinis ang Quick Response Team ng Phivolcs sa kabilang pasilidad sa Agoncillo para maalis ang abo na tumabon sa kanilang solar panels.

Iinspeksyunin din ang mga pasilidad at gamit ng Phivolcs para matukoy kung maayos pang gumagana ang mga ito.

Ang naturang pasilidad sa Agoncillo ay ginagamit para sa tuluy-tuloy na transmission ng datos sa aktibidad ng Taal Volcano.

Read more...