Breast milk kailangan din sa mga evacuation center

Nangangailangan din ng breast milk sa mga evacuation center sa lugar na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon sa Batangas Provincial Government, maliban sa breast milk, nangangailangan din ng donasyon para sa breast milk pouches, at feeding bottles.

Ito ay para sa mga sanggol na kasalukuyang nasa evacuation centers ngayon.

Para sa mga nais mag-donate maaring makipag-ugnayan kay Weng Casabuena ng Provincial Social Welfare Development Office sa numbero na 09198042398.

Read more...