Kaso ng SARS sa isang clinic sa mall sa EDSA, fake news ayon sa DOH

Inabisuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko hinggil sa ipinakakalat na balita na may kaso ng SARS sa isang health clinic sa Metro Manila.

Ayon sa DOH, hindi totoong may nakumpirmang kaso ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) sa isang health clinic sa mall sa EDSA.

Sinabi ng DOH na hindi dapat maalarma ang publiko dahil peke ang nasabing balita.

Sa ngayon ay wala umanong kaso ng SARS na naiuulat o nakukumpirma sa bansa.

Ang balita na mayroong kaso ng SARS sa clinic sa EDSA Shangri-la Mall ay ipinakakalat sa social media.

Read more...