Bilang ng naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal mahigit 50,000 na

Umabot na sa mahigit 50,000 ang bilang ng mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 53,019 na katao na ang kabuuang bilang ng mga naapektuhan o 12,486 na pamilya.

Sa nasabing bilang, 10,000 pamilya o 43,681 na katao ang nasa mga evacuation center.

Umabot naman na sa P4.9 million ang halaga ng tulong na naipagkaloob ng DSWD at ng DOH sa mga apektadong residente.

Ang lahat naman ng kalsada sa mga bayan sa Batangas na naapektuhan ng pagputok ng bulkan ay bukas na at nadaraanan na ng mga motorista.

Read more...