Ilang truck na puno relief ipinadala ng Muntinlupa City Govt. sa Batangas

Biyaheng Batangas na ang mga truck na puno ng relief goods mula sa Muntinlupa City Government.

Ang mga relief goods ay dadalhin sa mga evacuation center sa sumusunod na mga bayan at lungsod:

1. Calaca
2. Alfonso
3. Nasugbu
4. Batangas City
5. Bauan
6. San Pascual
7. Balayan
8. Sto. Tomas

Ang tulong ay kinapapalooban ng sleeping mats, bigas, mga gamit sa pagkain gaya ng pinggan, baso, kutsara at tinidor.

Bukod pa ito sa P3,000,000 halaga na una nang ipinagkaloob ng Muntinlupa City Government sa mga biktima ng pagputok ng Bulkang Taal.

Read more...