Biyahe ng LRT-1 nagka-aberya

Nakaranas ng aberya sa biyahe ng Light Rail Transit – 1.

Sa abiso ng LRT-1 sa kanilang official Twitter account inihinto ang biyahe ng mga tren mula Baclaran to Roosevelt.

Nagsimula ang aberya bago mag-alas 7:00 ng umaga.

Ayon sa LRT-1 isang tren ang nagkaroon ng depekto sa bahagi ng Doroteo Jose Station.

Alas 7:09 naman ng umaga nang maibalik sa normal ang biyahe ng mga tren ng LRT-1.

Pero pinayuhan pa rin ang mga pasahero na magdagdag ng oras sa biyahe dahil nagdulot na ng build-up ng mga pasahero ang naganap na aberya.

Read more...