LOOK: VP Robredo bumisita sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal

Bumisita si Vice President Leni Robredo sa mga evacuation center sa Batangas.

Kabilang sa pinuntahan ng bise presidente ang mga bayan ng Sta. Teresita at San Jose.

Namahagi si Robredo ng food packs at face masks sa mga pamilyang apektado ng pagputok ng Bulkang Taal.

Maliban dito, inalam din ni Robredo sa mga residente kung anu-ano pa ang kanilang pangunahing pangangailangan.

Pinasalamatan naman ni Robredo ang mga katuwang ng “Angat Buhay” program ng Office of the Vice President na nagkaloob ng mga donasyon para sa mga bitkima.

 

Read more...