Prize freeze sa gamot at iba pang medical supplies sa lugar na apektado ng pagputok ng Bulkang Taal iniutos ng DOH

Ipinag-utos ng Department of Health (DOH) ang pagpapatupad ng prize freeze sa mga gamot at iba pang medical supplies sa mga lugar na apektado ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa inilabas na memorandum, inaatasan ni Health Sec. Francisco Duque III ang lahat ng mga chief of hospitals at iba pang concerned units na pairalin ang prize freeze sa gamot.

Ito ay dahil tiyak ang pangangailangan ng gamot sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad dulot ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa inilabas na listahan ng DOH, sasakupin ng prize freeze ang mga gamot na analgesics, anti-allergics, anti-convulsants, antidotes, antibiotics, Antibacterial Agents, antifungals, antivirals, cardiovascular medicines at maraming iba pa.

Sakop din ng prize freeze ang mga medical supplies gaya ng face masks.

Read more...