Bilang ng pamilyang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal umabot na sa mahigit 10,000

Umabot na sa 10,455 na pamilya ang naitalang naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) katumbas ito ng mahigit 40,000 indibidwal.

Sa nasabing bilang aabot sa 9,508 na pamilya ang nananatili sa mga evacuation centers.

Karamihan sa mga naapektuhang pamilya ay mula sa mga munisipalidad sa Batangas na labis na naapektuhan ng ashfall gaya ng Alitagtag,, Balayan, Bauan, Calaca, Calatagan, Lian, San Pascual, Santo Tomas, Tuy at Batangas City.

Tinatayang namang aabot na sa P577 million ang halaga ng pinsala sa mga pananim na naidulot ng pagputok ng bulkan.

Karamihan sa mga napinsalang pananim ay kape, palay, mais, saging at cacao.

Read more...