Patuloy na bumubuti ang kalidad ng hangin sa Metro Manila at sa ilang karatig-lalawigan.
Ito ay kasunod ng nagpapatuloy na phreatic eruption ng Bulkang Taal.
Gayunman, sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni DENR Undersecretary Benny Antiporda na hinihikayat pa rin ang publiko na magsuot ng face mask.
Bagaman unti-unti nang nagiging malinaw ang hangin, mapanganib pa rin aniya ang mga natirang ash fall sa kalsada.
Ito aniya ang inaalala ng mga otoridad hindi lamang ang posibleng pagsabog pa ng bulkan.
Paliwanag pa ni Antiporda, malaki kasi ang posibilidad na malanghap ito ng publiko.
Hindi aniya ito ligtas para sa kalusugan ng publiko dahil maaari itong magdulot ng allergy o anumang problema sa respiratory system ng tao.
MOST READ
LATEST STORIES