Sa isang press briefing, sinabi ni DOH Assistant Secretary Ma. Francia Laxamana na hindi na dapat bumili ng mga isda sa nasabing lawa para sa kaligtasan ng publiko.
Namatay kasi aniya ang mga isda bunsod ng sulfur o anumang uri ng keminal mula sa ibinugang abo ng Bulkang Taal.
Kung makakain ng anumang uri ng isda mula sa bahagi ng Taal at Batangas, dapat aniyang bantayan ang mga mararamdamang simtomas.
Kabilang na rito ang pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae.
Payo ni Laxamana, agad i-rehydrate at bantayan nang mabuti ang sitwasyon ng pasyente.
Sa huling abiso ng Phivolcs bandan 1:00 ng hapon, nananatili pa rin sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal.