240 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal

Kuha ni Fritz Sales
Umabot na sa 240 ang naitalang volcanic earthquakes ng Phivolcs na dulot ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Sa nasabing bilang ayon sa Phivolcs, 120 ang naramdaman o mayroong naitalang intensities.

Nasa pagitan ng magnitude 1.2 hanggang 4.5 ang magnitude ng mga pagyanig.

Karamihan sa mga pagyanig ay naitatala ang sentro sa bayan ng Agoncillo at Lemery at sa Tagaytay City.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum ang pag-akyat ng magma ang dahilan ng mga nararamdamang pagyanig.

Asahan pa aniya ang patuloy na aktibidad sa bulkan, at kabilang sa kailangang paghandaan ang mas malakas na aktibidad nito.

Read more...