Kalidad ng hangin sa Metro Manila bumubuti na – DENR

Bumubuti na ang kalidad ng hangin sa Metro Manila matapos maapektuhan ng ashfall mula sa Taal Volcano noong Linggo ng gabi.

Sa update mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) – NCR, mas mabuti na ang air quality sa maraming lungsod sa Metro Manila.

Ayon sa DENR – NCR, kagabi ay ‘good’ na ang air quality sa Malabon, Mandaluyong, Paranaque, Makati, Pateros at Taguig.

Moderate / Fair naman ang air quality sa North Caloocan, San Juan, Las Pinas at Marikina.

Kahapon ng umaga ay umabot sa “unhealthy for sensitive groups” ang air quality sa Mandaluyong, Las PInas, at Taguig.

Ito ay dahil sa ashfall na umabot sa Metro Manila mula sa pagputok ng Bulkang Taal.

Read more...