Pangulong Duterte, kumpiyansa pa rin kay BOC chief Guerrero

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumpiyansa pa rin siya kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Kumalat kasi ang ulat na inalok umano ng pangulo ang nasabing pwesto kay special envoy to China William de Jesus Lima sa isang hapunan sa Malakanyang.

Sa ambush interview matapos ang pagbisita sa Philippine Marine Corps (PMC) sa Taguig City, sinabi ng pangulo na tiwala pa rin siya kay Guerrero.

Ayon sa pangulo, mayroon pang mga trabahong kailangang gawin si Guerrero para ayusin ang BOC.

Kabilang na aniya rito ang internal cleansing dahil mayroon pa rin aniyang natatanggap na reklamo.

Ani Duterte, kakausapin niya si Guerrero ukol sa mga empleyado ng ahensya na dapat nang tanggalin dahil sa ginagawang korapsyon.

Read more...