Pangulong Duterte, bibista sa mga lugar na apektado ng pag-alboroto ng Bulkang Taal

Nakatakang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lugar na apektado ng pag-alboroto ng Bulkang Taal sa Martes, January14.

Sa abush interview matapos ang pagbisita sa Philippine Marine Corps (PMC) sa Fort Bonifacio, Taguig City kinumpirma ng pangulo na mag-iikot siya sa mga apektadong lugar ng bulkan.

Nais aniya niyang mabisita ang lahat ng naapektuhan ng pagsabog ng bulkan.

Gayunman, sinabi ng pangulo na inabisuhan siya ng kaniyang doktor na maging maingat sa patuloy na nararanasang ash fall bunsod ng phreatic activity ng Bulkang Taal.

Itinuro pa ng pangulo ang suot nitong air purifier.

Nagsimulang mag-alboroto ang bulkan noong Linggo ng hapon.

Sa huling abiso ng Phivolcs, nananatili pa rin sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal.

Read more...