Nasa 18,000 pulis sa Region IV-A (Calabarzon) ang apektado ng ash fall bunsod ng phreatic eruption ng Bulkang Taal.
Kahit apektado ng ash fall, tuloy pa rin ang trabaho ng mga pulis.
Sinabi naman ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa na magkakaroon ng ambagan ang lahat ng pulis sa bansa para sa mga biktima ng pag-alboroto ng bulkan.
Narito ang ulat ni Jong Manlapaz:
MOST READ
LATEST STORIES