Magnitude 4 na lindol tumama sa Agoncillo, Batangas

Tumama ang magnitude 4 na lindol sa Agoncillo, Batangas.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 5 kilometers Northwest ng nasabing bayan bandang 4:24 ng hapon.

12 kilometers ang lalim ng lindol at volcanic ang dahilan.

Bunsod nito, naramdaman ang intensity 3 sa Tagaytay City.

Instrumental intensity 3 rin ang naitala sa Tagaytay City.

Gayunman, walang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...