Mga mayor sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal, kailangan physically present – DILG

Mahigpit ang bilin ng Depertment of Interior and Local Government sa lahat ng provincial governors at mayors sa Region IVA, III at National Capital Region (NCR) na maging physically present sa kanilang lokalidad.

Ang paalala mula kay DILG Secretary Eduardo Año matapos ang pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas at maghulog ito ng ashfall.

Nais kasi ng kalihim na agad makapag-convene ang

kani-kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Council at mga LGU upang matiyak na maipaabot ang anumang agarang tugon na kinakailangan.

Kailangan na ring i-activate ng mga local chief executive ang kanilang Incident Management Teams, Operations Center at iba’t ibang disaster response teams.

Mahigpit na imo-monitor ng DILG ang mga aksyon ng mga LGU alinsunod sa Operation Listo protocols.

Nanawagan na rin ang DILG sa publiko na mag-donate ng malinis na tubig, pagkain, mga gamot at iba pang kagamitan.

Maaaring dalhin ang donasyon sa DSWD o direkta na sa mga LGU.

Read more...