Buong lalawigan ng Batangas, isinailalim sa state of calamity

Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Batangas bunsod ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Inanunsiyo ang deklarasyon sa idinaos na special session ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas.

Batay sa huling datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) hanggang 11:00 ng umaga, umabot na sa mahigit 16,000 indibidwal o 3,000 pamilya ang nailikas.

Ayon sa Batangas Capitol Public Information Office (PIO), patuloy pa rin ang ginagawang total evacuation sa mga lugar na sakop ng 14-kilometer radius mula sa Bulkang Taal.

Sa ngayon, nasa Alert Level 4 pa rin ang bulkan dahil sa patuloy na paglindol at inaasahan ang mas matindi pang eruptive activity sa main crater nito.

Read more...