Sa inilabas na abiso, sinabi ng kumpanya na magkakaroon ng libre at unlimited na GoWiFi internet connection sa apat na terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at ilang mall sa Laguna, Cavite at Batangas.
Layon anila nito na magkaroon ng pagkakataon na makausap ng mga apektado ng pagsabog ng bulkan ang kani-kanilang pamilya at kaibigan.
Maliban dito, magtatalaga rin ang kumpanya ng Libreng Tawag at Charging station sa bahagi ng Barangay Amuyong Covered Court sa Tagaytay Nasugbu Road sa Alfonso, Cavite mula January 13 hanggang 16 simula 9:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.
Asahan na anila na madaragdagan pa ang mga itatalagang Libreng Tawag at Charging centers sa iba pang lugar.
Narito naman ang listahan ng mga lugar na mayroong GoWiFI mula January 13 hanggang 14:
NAIA
Terminals 1-4
BATANGAS
Robinson’s Place Lipa
LAGUNA
Pavilion Mall
Solenad 1,2,3
Southwoods Mall
Robinson’s Sta. Rosa
Robinson’s Place San Pedro
Robinson’s Los Banos
CAVITE
The District – Dasmarinas
The District – Imus
Ayala Malls Serin – Tagaytay
Robinsons Tagaytay
Robinson’s Place Dasmarinas
Robinson’s General Trias
Robinson’s Imus
“In incidents like these, staying indoors is always the best
option. However, for our kababayans who are seeking refuge in
our partner establishments, we are providing free unlimited
Internet services for them to inform their loved ones of their
safety or their current condition should they need assistance,” ayon kay Janis Racpan, Globe Director for WiFi Business Group.
Hinikayat din ng kumpanya ang publiko na manatili sa loob ng tahanan para maiwasang maapektuhan ng ash fall.