PNP, nakataas na sa full alert status kasunod ng pagsabog ng Bulkang Taal

Nakataas na sa full alert status ang Philippine National Police (PNP) kasunod ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Sa inilabas na pahayag, ipinag-utos ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa ang full alert status sa lahat ng unit at office ng kanilang hanay.

Pinaghahanda rin ang National Supports Units, PRO3, PRO4A at NCRPO na maging handa sa posibleng karagdagang deployment ng mga pulis para umasiste sa disaster at relief operations.

Pinahihigpit din sa mga pulis ang seguridad sa Clark Airport matapos ma-divert ang ilang biyahe mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Samantala, nagpadala na ang NCRPO ng anim na trak para makatulong sa paglilikas ng mga residente sa Talisay, Batangas.

Read more...