DTI nagpakalat na ng team para bantayan ang presyo ng face masks

Nagpakalat na ng team ang Department of Trade and Industry (DTI) para bantayan ang presyuhan ng face masks sa merkado.

Sa abiso ng DTI, nakatangap sila ng sumbong na biglang nagmahal ang presyo ng N95 masks at gas masks sa mga tindahan.

Ayon sa DTI, ang sinumang mahuhuling nagpatupad ng hindi makatwirang pagtaas sa presyo ng face masks, gas masks at mga kahalintulad na produkto ay maarig maparusahan.

Kasong kriminal ang maaring kaharapin ng mge business entities o indbidwal na nananamantala.

Samantala, sinabi ng DTI na wala ring pagbabago sa suggested retail price ng mga pangunahing bilihin.

Read more...