P1.5M na halaga ng N95 masks at eye drops ipadadala ng DOH sa Calabarzon

Magpapadala ng protection kits na kapapalooban ng N95 masks at eye drops ang Department of Health (DOH) sa Calabarzon.

Ito ay para maipamahagi sa mga residente na napinsala ng paputok ng Bulkang Taal.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, aabot sa P1.5 million na halaga ng protection kits ang isu-supply ang DOH.

Makikipag-ugnayan ang DOH sa mga municipal at city health officers para sa pamamahagi ng kits.

Prayoridad sa pamamahagi ng kits ang mga residente sa Calabarzon na itinuturing na high-risk area.

Read more...