Ilang negosyante nananamantala na; presyo ng N95 Mask umabot na sa P200

Nagbabala si Acting Manila City Mayor Honey Lacuna-Pangan sa mga negosyanteng nananamantala sa presyuhan ng face masks.

Ayon Lacuna-Pangan, nakarating sa kanyang tanggapan ang mga reklamo na tumaas na ang presyo ng mga N95 Masks sa iba’t ibang pamilihan sa Maynila.

Mula P25 hanggang P30, pumalo na umano sa P200 ang isang piraso ng N95 Mask.

Inatasan na rin ni Lacuna-Pangan ang Manila Bureau of Permits at Manila Licenses Office na magsagawa ng inspeksyon sa mga negosyong nagbebenta ng N95 Mask.

Read more...