Outdoor trainings ng mga miyembro ng national team ipinagbawal muna ng PSC

Ipinagbawal muna ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagsasagawa ng outdoor trainings.

Ito ay bunsod ng panganib sa kalusugan na maaring maidulot ng ashfall mula sa Taal Volcano.

Ayon sa abiso ng PSC, pinapayuhan ang lahat ng miyembro ng national team na huwag munang magsagawa ng outdoor training.

Mas mainam ayon sa PSC na gawin na lamang muna ang trainings indoor habang hindi pa humuhupa ang ashfall mula sa Bulkang Taal.

Read more...