Ayon kay Joselito Castro pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nagpapatuloy pa ang paglilikas sa mga residente sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.
Sa pinakahuling datos ng Batangas PDRRMO, umabot na sa 2,534 ang bilang ng pamilyang apektado o katumbas ng 13,883 na indibidwal.
Sinabi ni Castro na nagiging hadlang sa ginagawang evacuation ang makapal na abo na nagmumula sa bulkan na nagdudulot ng zero-visibility.
Patuloy ang panawagan ng Batangas Provincial Government sa mga mamamayan na mag-ingat sa masamang epekto sa kalusugan ng abong mula sa bulkan.
Sa mga nasa loob ng danger zone, pinapayuhan na sumunod sa abiso ng otoridad tungkol sa evacuation.