Air-conditioning system ng LRT-2 hindi pagaganahin

Hindi pagaganahin ang air-conditioning system ng Light Rail Transit – 2 ngayong araw.

Sa abiso ng LRTA sa mga pasahero, maliban sa pagpatay sa aircon ay isasara din ang mga bintana ng tren para hindi malantad ang mga pasahero sa sulfur at ashfall.

Humingi naman ng pang-unawa sa publiko ang mga pasahero ng LRT-2.

Inaasahan namang hindi gaanong magiging siksikan ngayon sa LRT-2 dahil walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno.

Read more...