Water level ng Angat dam nabawasan sa magdamag

Nabawasan sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa abiso ng PAGASA Hydrology alas 6:00 ng umaga ng Lunes, Jan. 13 ay nasa 204.57 meters ang water level ng dam.

Nabawasan ng bahagya kumpara sa 204.61 meters kahapon ng umaga.

Nawasan naman ang water level ng Ipo dam na nasa 101.08 meters, habang bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig sa La Mesa dam na nasa 77.77 meters.

Nadagdagan din ang antas ng tubig sa Ambuklao, Binga, at Caliraya dams.

Nabawasan naman ang water level San Roque, Pantabangan at Magat dams.

Read more...