Ayon sa sa abiso ng Philippine Arlines, target ng Manila International Airport Authority (MIAA) at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na maibalik ang serbisyp ng NAIA alas 8:00 ng umaga.
Sa ngayon sinabi ng PAL na patuloy ang koordinasyon nila sa pamunuan ng paliparan.
Sa sandali kasing lumala pa ang ashfall at ash cloud ay maaring mapalawig pa ang tigil-operasyon sa NAIA.
Daan-daang flights na ang nakansela dahil sa pagsasara ng NAIA simula kagabi bunsod ng naranasang ashfall sa Metro Manila mula sa nag-aalburutong Bulkang Mayon.
MOST READ
LATEST STORIES