M3.7 na lindol naitala sa Tagaytay City; pagyanig naramdaman sa Quezon City at Malabon

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang Tagtaytay City ngayong Lunes (Jan. 13).

Naramdaman ang pagyanig hanggang sa Quezon City at Malabon ayon sa Phivolcs.

Naitala ang lindol alas 4:55 ng umaga sa 4 kilometers northwest ng Tagaytay City.

May lalim itong 26 kilometers at ang origin ay bunsod ng pag-aalburuto ng Taal Volcano.

Naitala ang malakas na Intensity V sa Tagaytay City, Intensity III sa Lipa City at Sto. Tomas City, Batangas; at Intensity II sa Quezon City at Malabon.

Read more...