Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 735 kilometro Silangan Timog-Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Mababa pa rin ang tyansa na maging bagyo ang LPA ngunit ang trouh o extension nito ay magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Caraga at Eastern Visayas.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat din ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region,at Aurora dahil sa tail-end of a cold front.
Sa Ilocos Region, maalinsangan ang panahon na may posibilidad ng mahihinang pag-ulan bunsod ng northeast monsoon o Amihan.
Samantala dahil sa pagsabog ng Taal Volcano, magkakaroon ng maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog aty pagkidlat sa Batangas, Cavite at Laguna.
Ayon kay PAGASA weather forecast Meno Mendoza sakaling magpatuloy ang volcanic eruptions ng Taal ay magpapatuloy ang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Taal Region at mga karatig-lugar.
Inaasahang aabot ang ashfall sa Laguna, Rizal, northern Quezon at Aurora.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, asahan ang maalinsangang panahon maliban sa mga panandaliang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dulot ng localized thunderstorms.
Walang nakataas na gale warning saanmang baybaying-dagat ng bansa kaya’t malayang makapaglalayag ang mga mangingisda.