LOOK: Taal Volcano kasalukuyang naglalabas ng lava

Kasalukuyang nagkakaroon ng ‘lava fountaining’ o paglalabas ng lava ang Taal Volcano.

Ayon sa Phivolcs, nagsimulang maglabas ng ‘lava’ ang bulkan alas-3:20 Lunes ng madaling-araw.

Sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum na ang ‘lava fountaining’ ay isa sa mga aktibidad na ipinakita ng Taal Volcano sa nagdaang mga pagsabog nito.

Ang mga malalakas na lindol sa Taal Region ay nagpapahiwatig umano ng patuloy na pag-akyat ng magma sa ilalim ng Taal Volcano na naberipika naman sa pamamagitan ng eruptions at paglabas ng lava.

Kasalukuyang nasa Alert Level 4 ang bulkan.

Patuloy na nagbababala ang Phivolcs sa panganib ng ashfall lalo na sa matatanda, bata at mga motorista.

Read more...