Ito ay sa kabila ng pangambang may taas-presyo dahil sa tensyon sa Middle East.
Sa abiso ng Cleanfuel, Shell, at Petro Gazz, may bawas na P0.20 ang presyo ng kada litro ng diesel.
Ang kerosene o gaas ng Shell ay may tapyas ding P0.30 sa kada litro.
Wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina.
Una nang nagpatupad ng rollback ang Cleanfuel alas-4:01 pa lang hapon ng Linggo at susundan ng Shell, Cleanfuel at iba pang kumpanya alas-6:00 bukas ng umaga.
Ayon sa oil industry sources, ang hindi na pagganti ng US ay nakatulong para humupa ang pagsipa ng petrolyo sa world market.
MOST READ
LATEST STORIES