SVD Seminary sa Tagaytay binuksan para sa evacuees

Richard A. Reyes/PDI

Bukas ang SVD (Society of the Divine Word/Societas Verbi Domini) Seminary sa Tagaytay para tumanggap ng evacuees ngayong nag-aalburoto ang Taal Volcano.

Sa anunsyo ni Fr. Randolf Cariño Flores, sinabing ang mga nais na tumuloy sa SVD seminary ay kailangan lang makipag-ugnayan kay Fr. Fred Saniel, SVD.

Samantala, batay sa Tagaytay CDRRMO, aabot na sa 1,810 ang kabuuang bilang ng naapektuhan ng akbitidad ng bulkan.

narito na ang bilang ng evacuees hanggang alas-12:15 ng madaling-araw.
1. Silang Crossing West – 21 pamilya /129 katao
2. Kaybagal South – 37 katao
3. Asisan – 15 pamilya / 54 katao
4. Kaybagal Central – 7 pamilya / 30 pamilya (mula Talisay)
5. Guinhawa North – 9 pamilya
6. Patuto North (Unida Church) – 19 katao
7. TCNHS – 9 pamilya / 55 katao
8. Neogan covered court – 280 katao
9. Chapel Mendex Xsing East – 9 pamilya / 43 katao mula sa Balakilong
10. Sambong – 15 pamilya / 36 katao
11. Sungay west – 5 pamilya
12. San jose – 53 katao
13. Silang Xsing East – 16 pamilya / 91 katao
14. Iruhin West – 3 pamilya
15. Iruhin Central – 3 pamilya / siyam katao
16. Bagong Tubig – 961 katao
17. Mendez Crossing West – 8 pamilya / 37 katao
18. Sungay East at House of Kap Gener – 5 katao
19. Mendez Xsing Elem School – 2 pamilya / 8 katao
20. Medez Crossing West @ Endozo’s residence – 10 pamilya / 40 katao

Read more...