M4.1 na lindol yumanig sa Batangas

Sunud-sunod ang may kalakasang mga lindol na yumayanig sa Cavite at Batangas bunsod ng aktibidad ng Taal Volcano.

Pinakamalakas ang magnitude 4.1 na naitala alas-11:56 Linggo ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong pitong kilometro Hilagang-Silangan ng Agoncillo.

May lalim itong walong kilometro at volcanic ang dahilan.

Naitala ang parehong Intensity V at Instrumental Intensity IV sa Tagaytay City.

Hindi nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...