Tagaytay, Cavite niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Tagaytay, Cavite Linggo ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 3 kilometers Southwest ng Tagaytay City bandang 5:10 ng hapon.

May lalim ang lindol na 8 kilometers at volcanic ang dahilan.

Kasabay ito ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal.

Tiniyak naman ng Phivolcs na walang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...