Phivolcs, itinaas na sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal

Itinaas na ng Phivolcs sa Alert Level 3 (magmatic unrest) ang Bulkang Taal.

Sa inilabas na abiso bandang 4:00 ng hapon, sinabi ng Phivolcs na bumibilis ang eruptive activity ng bulkan simula 2:04 ng hapon.

Dahil dito, umaabot na sa isang kilometers ang taas ng ibinubugang abo ng bulkan.

Nararamdaman din anila ang mga pagyanig sa Volcano Island at ilang barangay sa Agoncillo, Batangas.

Nakararanas din ng ashfall sa Southwest sector ng Taal.

Base sa larawang kuha ni Sam Rigby, may halong maliliit na bato ang ulan na umiiral sa Tagaytay, Cavite:

Kasunod nito, inirekomenda ng Phivolcs ang paglikas ng mga nakatira sa Taal Volcano Island at mga barangay sa Agoncillo at Laurel, Batangas dahil sa posibleng panganib na idulot ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami.

Ipinagbabawal na rin anila ang sinuman sa buong Volcano Island na Permanent Danger Zone (PDZ) at mga high-risk barangay sa Agoncillo at Laurel.

Pinayuhan din ang mga komunidad sa paligid ng Taal Lake na maging alerto sa posibleng lakewater disturbances bunsod ng pag-aalboroto nito.

Narito ang buong abiso ng Phivolcs:

Read more...