15 sugatan sa banggan ng PH Navy van at jeep sa Makati City

Hindi bababa sa 15 katao ang nasugatan sa naganap na banggaan sa Makati City, Biyernes ng gabi.

Batay sa impormasyon mula sa Makati City police, sangkot sa aksidente ang van ng Philippine Navy at isang pampasaherong jeep.

Naganap ang aksidente sa bahagi ng Don Chino Roces Avenue bandang 8:00 ng gabi.

Kabilang sa mga sugatan ang drayber ng van ng Philippine Navy na si Charles Villaruel, 22-anyos.

Isinugod ang mga biktima sa iba’t ibang ospital.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa aksidente.

Read more...