Palasyo, nakiramay sa pagpanaw ni Sultan Qaboos

Nagparating din ng pakikiramay ang Palasyo ng Malakanyang sa pagpanaw ni His Majesty Sultan Qaboos bin Said mula sa Oman.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na ikinalulungkot ng Palasyo at sinserong nakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpanaw ni Sultan Qaboos.

Isinalarawan ni Panelo si Sultan Qaboos bilang isang “man of vision” sa pamamalakad nito sa Oman.

Nagpasalamat din si Panelo kay Sultan Qaboos para sa maayos na pakikitungo sa libu-libong Filipino na nagtatrabaho at ikinokonsidera ang Oman bilang kanilang pangalawang tahanan.

Dagdag pa nito, mag-aalay din ng panalangin ang pangulo para sa gobyerno at residente ng Oman na nagdadalamhati sa pagpanaw ni Sultan Qaboos.

Read more...