Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ililipat ang unang batch ng evacuees sa Doha, Qatar saka ibibiyahe pauwi ng Maynila sa araw ng Linggo.
Sa ngayon, nananatili aniya ang mga 14 Filipino sa Embahada ng Pilipinas sa Baghdad, Iraq.
Ayon sa kalihim, posible pa itong madagdagan.
Patuloy aniyang nakikipag-ugnayan ang embahada sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa nasabing bansa para alamin kung sinu-sino ang nais nang bumalik ng Pilipinas.
Naghahanda na aniya ang BRP Gabriela Silang para dalhin ang mga Filipino sa mas ligtas na lugar.
Bilang special envoy to the Middle East, nagsasagawa ang assessment si DENR Secretary Roy Cimatu sa sitwasyon sa Iran, Iraq, Libya at mga karatig-bansa.