Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, napigilang makapasok ng bansa ang nasabing bilang ng “rude foreigners” noong taong 2019.
Bahagya aniya itong mas mataas kumpara sa naitalang 133 noong 2018.
Ayon pa kay Morente, maliban sa pagpapabalik sa pinanggalingang bansa, isinama na rin ang mga nasabing dayuhan sa blacklist ng ahensya.
Kasunod nito, muling nagbabala si Morente sa mga dayuhang bibisita sa bansa na iwasan ang pagpapairal ng masamang asal.
“We thus reiterate our warning to foreigners intending to visit the Philippines that they should refrain from exhibiting bad behavior that would make them undeserving to enter our country,” ani Norente.
Iginiit ng BI commissioner na hindi hahayaan nf ahensya ang physical at verbal abuse sa kabila ng ipinagtutupad na maximum tolerance.
Ayon naman kay Grifton Medina, hepe ng BI port operations division, karamihan sa mga naharang na rude aliens ay mula sa mga paliparan sa Maynila at Mactan, Cebu.
Ilan sa mga pasahero ay lasing at arogante nang dumaan sa primary investigation ng mga immigration officer.
“Others, although sober, were arrogant and discourteous… They would shout expletives, and would even make derogatory statements about Filipinos or the country,” ani Medina.
Giit ni Medina, ang pagpasok at pananatili ng mga dayuhan sa bansa ay isa lamang pribilehiyo at hindi karapatan.
Dahil dito, hindi dapat aniya abusuhin ang mga immigration officer at iba pa sa bansa.
Sa datos ng BI airport operations section, kabilang sa mga naharang na bastos na dayuhan ay 63 Chinese nationals.
Sumunod dito ang 23 Koryano, 10 Amerikano, siyam na Japanese, walong Australians, at limang Britons.