DFA, nakiramay sa pagpanaw ni Sultan Qaboos mula sa Oman

Nagparating ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagpanaw ni His Majesty Sultan Qaboos bin Said mula sa Oman.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kagawaran na sa ilalim ng pamumuno ni Qaboos ay naging “leading player” ito para sa pagtutulak ng kapayapaan at seguridad sa Gitnang Silangan.

Dagdag ng DFA, naging mabuting opisyal si Qaboos para sa libu-libong Filipino na tumira sa Oman bilang pangalawang tahanan.

Sinabi pa ng kagawaran na nakikiisa ang mga Filipino sa pagluluksa ng Oman sa pagpanaw ni Sultan Qaboos.

Read more...