Drug suspect, timbog sa buy-bust operation sa Catanduanes

Inquirer file photo

Arestado ang isang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation sa Catanduanes, Biyernes ng gabi.

Ayon kay Catanduanes police director Col. Florendo Abay, naaresto ang suspect na si Danilo Alcantara Sr., 56-anyos na mangingisda, sa bahagi ng Barangay District 1 sa bayan ng Gigmoto bandang 7:25 ng gabi.

Nakuha sa suspect ang 22 pakete ng hinihinalang shabu.

Kabilang si Alcantara sa drugs watch list ng mga otoridad.

Read more...