Intensyon ni Pangulong Benigno Aquino III na gawing limitado lamang sa kanila ni dating PNP Chief Alan Purisima ang plano, kontrol at desisyon sa Oplan Exodus.
Ito ang sinabi ni Senator Juan Ponce Enrile na sinang-ayunan ni dating Special Action Force Chief, retired general Getulio Napeñas sa nagpapatuloy na pagdinig ng senado sa Mamasapo incident. “Does the president Aquino compartmented the Oplan Exodus with Purisima? He excluded all members of his cabinet, he left everything to himself and his trusted man PDG Alan Purisima, is that true?” tanong ni Enrile kay Napeñas.
Sagot naman ni Napeñas, totoong nanatili lamang sa pagitan nina PNoy at Purisima ang mga impormasyon sa Oplan Exodus at maging si Sec. Mar Roxas ay hindi isinama sa usapan.
Dumepensa naman si Purisima at sinabing ang SAF ang nagplano at nagpatupad ng Oplan Exodus. Pero ayon kay Enrile, depensa lang ito ni Purisima. “Malinaw aniyang intensyon o sinadya ni Pangulong Aquino na panatilihin sa pagitan lamang nila ni Purisima ang mga impormasyon sa Oplan Exodus,” PNoy intentionally confined and arrogated unto himself and Purisima, full knowledge and control and strategic decisions over Oplan Exodus,” ayon kay Enrile.
Pasado alas 10:00 ng umaga nagsimula ang pagdinig at sa ngayon, tanging si Senator Enrile pa lamang ang nakakapagtanong.
Wala namang tumutol na mga kapwa senador nang hilingin ni Enrile kay Committee Chair Grace Poe na hayaan siyang tapusin ang kaniyang mga katanungan.
Kabilang sa mga senador na present sa hearing sina Senate President Frank Drilon, chairperson Sen. Poe, Senators Gringo Honasan, Bam Aquino, Chiz Escudero, Bongbong Marcos, TG Guingona, Koko Pimentel, Tito Sotto, Sonny Angara at Nancy Binay.