WATCH: Imperial couple, binigyan ng welcome honor sa Malakanyang

Dumating sa Malakanyang kaninang (MIyerkules) umaga sina Emperor Akihito at asawa niyang si Empress Michiko ng Japan.

Sinalubong sila ni Pangulong Benigno Aquino III at mga miyembro ng gabinete.

Ipinakilala ng pangulo ang imperial couple sa mga cabinet members at saka sila sinamahan sa Reception Hall para lumagda sa guestbook ng Malakanyang.

Matapos ang welcome ceremony sa mag-asawa, nagkaroon naman ng private meeting si Pangulong Aquino sa imperial couple.

Ang mag-asawa ay may limang araw na state visit dito sa Pilipinas.

Dumating sila sa bansa kahapon ng hapon at sa Sabado magtatapos ang kanilang five-day state visit.

Read more...