Travel agents mas pinipili ng karamihan sa mga mahihilig bumiyahe – PTAA

Mas pinipili pa rin ngayon ng mga biyahero ang pagkuha ng tour packages sa travel agencies kumpara sa online booking o sa pamamagitan ng pag-book sa online o sa social media.

Ayon sa Philippine Travel Agencies Association (PTAA), nangangahulugan ito na buhay na buhay pa rin ang industriya ng travel agencies ngayon at patok pa rin ito sa corporate at group travels.

Samantala, masusi ring binabantayan ng ng tourism sector at travel agencies sa bansa ang sitwasyon kaugnay ng tensyon sa Middle East.

Tiniyak naman ni Travel Tourism Expo Chairman Ritchie Tuano na sa ngayon ay marami pa rin ang nagpapa-book para sa tour sa Holy Land gayundin sa United Arab Emirates (UAE).

Nakiisa rin si Tuano sa panawagan ng UAE Government na iwasan ang pagpapakalat ng fake news hinggil sa tension sa UAE dahil wala naman talagang problema ngayon sa seguridad doon dahil hindi naman aniya lahat ng bansa sa Middle East ay apektado ng iringan sa pagitan ng Iran at Amerika.

Sa panig naman ng Turkish Airlines, tiniyak ni Erhan Balaban ang overall manager, na ligtas pa rin na bumiyahe sa kanilang airline at maging sa Turkey.

Nilinaw ni Balaban na iniiwasan naman ng kanilang mga piloto na dumaan sa air space ng mga lugar na apektado ng tensyon.

May ipinatutupad din aniyang safety measures ang Turkish airlines at ang Turkish government para matiyak ang
kaligtasan ng mga pasahero at turista.

Read more...