Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez, simula sa nasabing petsa, pwede na muling magparehistro ang publiko.
Maliban sa registration, maari ding magproseso ng transfer of registration records, change o correction ng entries, reactivation at reinstatement ng name sa voters’ list.
Ayon kay Jimenez, pwede ring magpa-update ng records ang mga senior citizen, Indigenous Peoples at iba pang miyembro ng bulnerable sectors.
Kailangan lamang magtungo sa Office of the Election Officer ng city o municipality kung saan nakatira.
Gagawin ang registration mula Lunes hanggang Sabado kabilang ang holidays, mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.
Tatagal ang registration period hanggang September 30, 2021.