Salary hike sa government workers malaking tulong sa pang araw-araw na gastusin – Sen. Angara

Sinabi ni Senator Sonny Angara na malaking tulong na sa mga kawani ng gobyerno na makaagapay sa kanilang gastusin araw-araw ang Salary Standardization Law – 5.

Paliwanag nito, ang may pinakamalaking pagtaas sa suweldo ay ang mga kawani na nasa Salary Grades 11 hanggang 13 o ang ‘professional level.’

Aniya ang mga ito ay tatanggap ng 24.1 percent pagtaaas sa kanilang kompensasyon ngayon taon hanggang 30.7 porsiyento sa 2023.

Samantala, ang mga nasa sub-professional levels o ang mga kawani na nasa Salary Grades 1 – 10 ay tataas ang sahod ng 17.5 porsiyento hanggang 20.5 porsiyento sa 2023.

Aniya ang mga kawani na tumatanggap ng pinakamababang suweldo na P11,068 kada buwan ay tatanggap na ng P11,551 ngayon taon, P12,034 sa susunod na taon, P12,517 sa 2022 hanggang sa P13,000 sa 2023.

Dagdag pa ni Angara, naglaan na ng P33.16 billion sa 2020 national budget para sa umento at para sa apat na taon na pagtaas ng suweldo, mangangailangan ng P130.45 billion.

Read more...